Ang pagtiyak na nabasa mo ang pinakahuling mga babasahin mo sa mySeminary ay nagbibigay-daan sa iyong mga guro at lider na maunawaan ang iyong pag-unlad at tiyakin na tama ang nagagawa mo para mabigyan ng credit ang gawaing naisagawa mo sa buong termino.
Sundin ang mga hakbang sa ibaba para markahang kumpleto sa mySeminary ang mga natapos mong babasahin:
- Mag-log in sa myseminary.churchofjesuschrist.org.
- Buksan ang tab na Progreso sa Pagbabasa sa pamamagitan ng pagpili ng down arrow.
3. Tiyaking napili mo ang tamang termino at kurso mula sa dropdown menu.
4. Piliin ang mga kahon sa tabi ng mga babasahin na nakumpleto mo.
Pagtatakda ng mga Mithiin
Sa mySeminary, sa ilalim din ng tab na Progreso sa Pagbabasa, maaari kang magtakda ng mga mithiin sa pagbasa para hikayatin ang pag-unlad at palagiang pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Ang mga mithiing ito ay hindi makikita ng iyong mga guro—ang mga ito ay para sa personal na gamit ng mga estudyante.
Para magtakda ng Mithiin sa Pagbasa o Personal na Mithiin, piliin ang lapis na icon ng I-edit, punan ang mga kinakailangang field, at piliin ang Tanggapin.
Kung kailangan ng artikulong ito ng maintenance o gusto mong magbigay ng feedback sa artikulong ito, mangyaring magpadala ng email sa SI-ArticleFeedback@ChurchofJesusChrist.org ng pangalan ng artikulo at kung ano ang mas mapagbubuti. |
Kung hindi sinagot ng Artikulong ito ang iyong tanong, mangyaring makipag-ugnayan sa Global Services Department para sa karagdagang tulong -
|
Huwag mag-atubiling tingnan ang aming S&I Community page, kung saan maaari kang makibahagi sa iyong mga kabarkada upang mahanap ang mga sagot sa mga tanong! |