Inaanyayahan ang mga young adult ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na mas mapalapit kay Jesucristo sa pamamagitan ng pakikibahagi sa Pandaigdigang Debosyonal para sa mga Young Adult. Magsasalita si Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol. Mapapanood ang broadcast sa Hilaga at Timog Amerika sa Nobyembre 1, 2026, nang 6:00 n.g. (MST), at sa iba pang mga lugar sa Nobyembre 8. Inaanyayahang makibahagi ang lahat ng young adult na edad 18 hanggang 35, kabilang ang mga may-asawang young adult at mga nasa huling taon ng high school o katumbas na programang pang-edukasyon.
Magagamit ng mga lider ng institute, seminary, at lokal na Simbahan ang mga resource sa ibaba upang suportahan ang mga paanyaya at mga lokal na planadong pagtitipon.
Magplano ng pagtitipon
Hikayatin ang mga young adult at mga graduating high school senior na sama-samang makibahagi sa mga lokal na planadong pagtitipon. Ang isang maingat na binalak na lokal na karanasan ay makatutulong sa mga kalahok na madamang tanggap sila, may kaugnayan sila sa iba, at sinusuportahan sila.
Suportahan ang makabuluhang pakikibahagi
- Isama ang debosyonal sa inyong mga plano sa pagtitipon. Magbigay ng personal na mga paanyaya sa mga klase sa institute at anyayahan ang mga graduating senior sa seminary na dumalo kasama ng mga young adult sa isang tiyak na lugar, petsa, at oras.
- Magtalaga ng responsableng lider sa bawat lugar. Tiyaking makukumpleto ang survey pagkatapos ng kaganapan para sa mga pagtitipong itinataguyod ng institute at ng stake (tingnan ang Survey Pagkatapos ng Broadcast).
- Makipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga stake communication council. Pag-ugnayin ang mga paanyaya, iskedyul, at mensahe ng mga institute, seminary, at stake (tingnan ang Mga Communication Council: Isang Gabay para sa mga Lider ng Priesthood).
- Gumamit ng mga aprubadong resource. Sumangguni sa guidebook para sa Nobyembre para sa kasalukuyang patnubay at mga resource sa komunikasyon. Makukuha ang guidebook sa English, Español, Português, at Français.
